KARAPATANG PANTAO
GABAY SA PAG SUSURI
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
- ANG PESONANG NAGSASALITA SA TULAY AY SI FR. ALBERT ALEHO, SJ NA NAGSASAAD PATUNGKOL SA PARAAN NG PAGPATAY NG ISANG NAKAKAAWANG BUTIKI, NA INIHAMBING SA PARAAN DIN NG PAGPATAY SA ISANG TAO.
2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
- ANG HAYOP NA NABANGGIT SA TULA NA SIYANG PINAPASLANG AY ANG BUTIKI NA KUNG SAAN BINIGYANG HALIMBAWA SA KUNG PAANO AT ANO ANG PARAAN NG PAGPATAY NG ISANG TAO NA INIHALINTULAD SA PAG KITIL SA BUHAY NG BUTIKI, AYON SA TULA ANG PAG PATAY SA TAO AY MATATAWAG NA SANAYAN LAMANG, SA UNA IKAW AY MANGINGIMI SA KABA NGUNIT KAPAG IKAW AY NASANAY SA PAULIT ULIT MONG GINAGAWA AY HINDI MO MARARAMDAMAN NA NAKAKAPATAY KANA RIN KAHIT HINDI MO SADYA.
3.Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
- AYON SA AKING SARILING INTERPRETASYON SA HULING TALUDTUD NG TULA, NA NAG SASAAD NG "Kung hindi ako ay iba naman ang babanat, Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras."NA NAG PAPAKITA NA LAGANAP ANG KRIMIN O PAGPATAY SA ATING BANSA, NA KAHIT HINDI SIYA ANG GAGAWA SA PAGPATAY MAY MGA TAONG MASASAMA ANG LUOB ANG GAGAWA NIYO, NASAAD DIN NA HABANG SIYA AY PUMAPATAY MAY ROON NAMANG NANUNUOD NA KAPAG AKING IHAHAMBING SA SARILING INTERPRETASYON LUMABAS NA MAY MGA UTAK ANG PATAYANG NAGAGANAP, NA HINDI PANG PERSONAL NA DAHIL MALIBAN SA PERA ANG KRIMING IYON KUNDI DAHIL MAY TAONG NASA LIKOD NA KUNG SAAN SIYA ANG UTAK NA NAG TUTURO SA SAKUNG SINO ANG DAPAT PATAYIN, ANG GAWAING ITO AY HINDI MAKA TAO BAGKUS KINUKUNAN LAMANG NG KARAPATAN ANG KARAMIHAN NA MABUHAY.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
- ANG TULAY AY INAALAY NG MAY-AKDA SA SEKTOR NA PUMAPATAY NG TAO AT SA MGA TAONG BIKTIMA NG KARAHASAN, KRIMIN AT MARAMI PANG IBA.
MUNGKAHING GAWAIN
1.Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
"LALAKI, PATAY SA PANANAKSAK SA TONDO"
- ANG BUHAY NG TAO AY ISANG HIRAM LAMANG SA MAYKAPAL KAYA WALA TAYONG KARAPATANG KITILIN ANG BUHAY NG SINO MAN, ANG PAGPATAY AY HINDI GAWAIN NG MABUTING TAO. ANG PAG PASLANG AY HINDI KAILANGAN MAN DAPAT TULARAN. LAHAT TAYO AY MAY KARAPATANG MABUHAY ANO MAN ANG URI OR SISTEMA NG BUHAY MERON ANG BAWAT ISA, PAHALAGAHAN AT MAGPASALAMAT SA KUNG ANONG MERON TAYO, AYON SA AKING NAPILING KASO NA PATUNGKOL SA PAGPASLANG, MABABASA NA NAPAKADALI ANG PANGYAYARI NA PARABANG ANG PAGPATAY PARA SA TAONG IYON AY WALANG KAHIRAP HIRAP , PARA SA TAONG GUMAWA NG KRIMIN ANG PAGGAWA NG HINDI MAGANDA AY GINAGAWA NIYANG BUHAY, ANO MAN ANG DAHILAN KAHIT SINO SA ATIN AY WALANG KARAPATANG KITILIN ANG BUHAY NG SINO MAN. SA BAWAT PAG SIKAT NG ARAW MAY PAG ASA ITONG DALA KAYA NANINIWA AKONG DARATING ANG ARAW NA ANG LAHAT NG KRIMIN NA NGYAYARI SA ATING BANSA AY UNTI UNTI NG NABABAWASAN, ANG PAGPAPAHALAGA SA KARAPATANG PANTAO ANG KULANG SA KARAMIHAN, AT SAPANAHONG MA INTINDIHAN AT MAPAHALAGAHAN ANG KARAPATANG ITO, ANG BANSA NA MINSA'NG NAGING LAGANAP ANG KRIMIN AY MAGING MAALIWALAS DAHIL SA NGITI NG BAWAL PILIPINONG MAY PAGPAPAHALAGA SA KARAPATANG PANTAO.
4.Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;
KARAPATANG PANTAO
KARAPATANG PANTAO ANG KARAPATANG KAAKIBAT NG ATING PAGKATAO NGUNIT DI LAHAT NG TAO AY NAKAKAMTAN ITO,
DI TALIWAS SA ATING ISIPAN NA DI LAHAT NG KARAPATAN AY NAKAKAMTAN,
ANG IBA AY NASA KAMAY NG NAMUMUNO SA PAMAHALAAN,
GINAGAWA TAYONG ALIPING NG MGA TAONG NAPILI NATING GABAY SA DAANG TATAHAKIN,
KARAPATANG MAKAPAG ARAL PARA SA MGA KABATAANG NASA LANSANGAN,
KARAPATANG BUMOTO, PILIIN ANG TINGIN NATING NAAYON PARA SA KAPAKANAN NG BAWAT TAO,
KARAPATANG MABUHAY, NGUNIT LAGANAP ANG PATAYAN,
LAHAT NG TAO'Y MAY KARAPATAN DUKHA KAMAN O MAYAMAN,
KAILANGAN NATING PAHALAGAHAN ANG KARAPATAN NG BAWAT MAMAMAYAN,
UPANG MAKAMTAN ANG KAPAYAPAAN, NG BANSANG SINILANGAN.
5. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.
- DINAMIKONG UGNAYAN NG PANLIPUNANG REALIDAD AT NG PANITIKAN AY MAHALAGA LALO NA SA LARANGAN NG PAG-AARAL AT PAGLIKHANG PANITIKANG PILIPINO, NA NAKATUON SA IBA'T IBAT URI NG KASAYSAYAN NG ATING BANSANG PILIPINAS, NAKAPALUOB DIN DITO ANG MGA USAPIN PATUNGKOL SA KAHIRAPAN AT MGA KARAPATANG PANTAO. MAHALAGA DIN ITO SA PAG-UNLAD NG ATING SARILING WIKA, PAGPAPAYABONG NG MGA MALIKHAING KASAYSAYAN LALO NA SA PAGKAKAKILALA NG MAKABAGON MUNDO DALA NG PAGBABAGO NG PANAHON SA IKA 21 NA SIGLO.
Comments
Post a Comment