LEONO, KIMBERLY F.
BSCRIM 2-D
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ni Rolando A. Bernales
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
- "Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo"AY ANG PAMAGAT NG TULA NA ISINULAT NI RONALDO A. BERNALES, NA MAY DALANG MALALIM NA KAHULUGAN SA BAWAT TAO LALO NA NG MGA MIYEMBRO NG LGBTQ COMMUNITY. HINDI LINGID SA ATING KAALAMAN NA SA MGA NAGDAAN TAON ANG PAGPAPAKITA NG TUNAY MONG PAGKATAO LALO NA KAPAG IKAW AY KAKAIBA SA KOMON NA KASARIAN TULAD NA LAMANG NG BABAE AT LALAKI. HINDI MA ITATANGGI NA SAMOT SARING REAKSYON ANG IYONG MATATANGAP. MAY PANGHUHUSGA SA MATA NG KARAMIHAN, MASASAKIT NA SALITA MULA SA BUNGANGA NG MGA TAONG DI MO INAASAHAN, AT HIGIT SA LAHAT ANG MAS MASAKIT NA IYONG NATATANGGAP AY ANG MA PISIKAL NA PARAAN NA HINDI NA MAKATAO TULAD NA LAMANG SA NASULAT SA TULA NA IKAW AY MAPALAD KAPAG IKAW AY HINDI MAPUPUKOL NG BATO, AT AYON SA AKING INTERPRETASYON KUNG BAKIT ANG MGA SALITANG IYONG ANG NAPILING MAGING PAMAGAT NG MAY-AKDA AY DAHIL TOTOONG KALBARYO ANG IYONG MARARANASAN NA IPAPARANAS NG MGA TAO SA PAMAMARAAN NG KANILANG PANGHUHUSGA.
2.Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
- ANG IBA'T IBANG MUKHA NA TINUTUKOY SA TULA AY ANG MGA TAONG HINDI NA KAILANGAN KILALANIN SAPAGKAT ITO AY BABAE, LALAKI, BATA, MATANDA, INA, AMA, ANAK, KAPATID, MAYAMAN, MAHIRAP, KILALA AT MGA DI-KILALA. MGA TAONG HINDI KUNTROLADO ANG KANILANG ISIP PATUNGKOL SA BAKLANG KANILANG HINUHUSGAHAN, TINATAWANAN NA PARA BANG WALANG NASASAKTAN SAKABILA NG KANILANG KAGALAKAN, MGA TAONG MAY MATATALAS NA SULYAP, AT HINID MAKA TAONG PANGUNGUTYA.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
- ANG PAGKAKAROON NG PANINIWALANG ANG PAGIGING BAKLA AY ISANG KASALANAN, NA DAPAT PAGDUSAHAN SA KRUS NG KALBARYO, AY ISANG LIKONG KULTURA'T TRADISYON NA KUNG SAAN BULOK ANG PANINIWALA, ANG MGA ITO AY ISANG HALIMBAWA NG HINDI MAKATAONG GAWAIN NAKUNG SAAN ANG PANGHUHUSGA SA KARAPATANG PANTAO NA MAMUHAY NG MARANGYA AT WALANG PANGHUHUSGA AY PINAGKAKAIT LALO NA SA MGA MIYEMBRO NG LGBTQ COMMUNITY. ISANG ADHIKAIN AT PANINIWALANG KAHIT KAYLAN MAN AY HINDI MAGIGING MAGANDA ANG RESULTA, SAPAGKAT NA LALAMON ANG KARAMIHAN NG MADUMING PAGIISIP PATUNGKOL SA PAGKATAO TULAD NA LAMANG NG BAKLA NA TINUTUKOY SA TULA, ANG PAGPAPAKITA NG MAGANDA AT KARANGALAN AY NAGING ISANG BATO AT HANGIN SA MATA NG KARAMIHAN DAHIL SA BALUKTOT NA PANINIWALANG ITO.
Comments
Post a Comment