ISKWATER




 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

ANG SENTRAL NA PAKSA NG SANAYSAY AY ANG PATUNGKOL SA PAMUMUHAY NG MGA TAO SA ISKWATERS AREA, ANO ANG URI NG PAMUMUHAY MERON SILA AT ANG MGA SULIRANIN AT KAHIRAPANG ARAW ARAW NILANG NILALABANAN. 



2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.


AYON SA AKING SARILING OPINYON AT OBSERBASYON WALANG "DI TUWIRANG PASKA ANG ITINALAKAY SA TEKSTO" SAPAGKAT ANG LAHAT NA NASAAD SA SANAYSAY ANG MULA SA FIRST SOURCE AT NAAAYON SA TUTUONG NANGYAYARI SA KANILANG BUHAY AT KARANASAN LALO NA NG MAY AKDA, KAYA LAHAT AY TUWIRAN AT NAAAYON SA PAKSA NA ITINALAKAY SA TEKSTO.



3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag


AYON SA AKING NABASA NA PATUNGKOL SA URI O ISTADO NG PAMUMUHAY NG MGA TAGA ISAKWATER AREA, ANG LAYUNINN NG MAY AKDA AY ANG MAIPAKITA, O MAIPABASA SA MGA TAO KUNG ANO TALAGA ANG TUTUONG MUNDO NG TAGA SKWATERS, NA KUNG ANO ANG BUHAY NILA SA ARAW ARAW NA GINAWA NG DIYOS, AT UPANG MAIPABATID ANG IBA'T IBANG URI NG SULIRANIN ANG KANILANG HINAHARAP, PAGPAPAKITA SA DI NAAYONG PAG TRATO SA KANILA NG MGA MAYAYAMANG NANINIRAHAN SA KANILANG LUGAR.



4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?


ANG IDEYA NA TUMATAK SA AKING ISIPAN NA AKING SINANGAYUNAN AY ANG SALITANG " Bakit ganun, ang mga mahihirap ay ‘di kalian man makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin." SAPAGKAT HINDI LINGID SA ATING MGA ISIPAN ANG PAG HARI/ PAMUMUNO NG IBANG MGA MAYAYAMAN SA MUNDO O BUHAY NG MAHIHIRAP, TULAD NA LAMANG SA NABASA KUNG SANAYSAY, NA NASAAD KUNG GAANO KA GANDA, KASAYA ANG LUGAR NILANG SKWATER NUONG WALA PANG MAYAYAMAN NA SUMULPOT DUON,

ANG IDEYA NAMANG AKING HINDI SINANGAYUNAN AY ANG SALITANG "Sabi ko sa sarili na ipinanganak akong mahirap ay mamamatay din yata akong mahirap." SAPAGKAT LAHAT TAYONG MGA PILIPINO AY MAY ROONG KARAPATANG MAMUHAY NG MATIWASAY, AT MAKARANAS NG KAGINHAWAAN NGUNIT DAHIL SA MGA SAKIM AT KURAKOT NA NAMUMUNO SA ATING BANSA ANG MGA BENEPISYO AT TULONG NA PARA SANA SA PANIMULA NG BUHAY NG MGA MAHIHIRAP AY NAPUPUNTA PA SA KAMAY NG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN, ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAHIRAP SA KAPWA NATING PILIPINO AY SIYA RING KABALIKTARAN SA MATIWASAY NA BUHAY NG MGA TAO SA LIKOD NG PAG KIMKIM NG PERA NA SANA AY NABIBIGAY SA MGA NANGANGAYLANGAN, 



5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.


BILANG ISANG KABATAAN NAMULAT SA SIMPLENG PAMUMUHAY, ALAM KO ANG PAKIRAMDAM AT SITWASYON NG MGA TAO SA ISKWATER SAPAGKAT NAKAKARANAS DIN AKO NG PAGHIHIRAP NGUNIT SA IBANG DAHILAN, HINDI AKO PINANGANAK NA MAYAMAN UPANG HINDI MARAMDAMAN ANG BIGAT AT HIRAP NA DINADANAS NG KAPWA KO MAHIHIRAP, KAYA MASASABI KUNG NAKAUGNAY ANG AKING ISTADO SA BUHAY SA NAKALAHAD NA KAISIPAN NG TEKSTO, 



6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.


NAPAKAHALAGA ANG PAGTATALAKAY SA SANAYSAY NA IPINALIWANAG PATUNGKOL SA KONSEPTO NG ISKWATER, SAPAGKAT MAS NA PUKAW ANG AKING ISIPAN SA TUTUONG ISTADO NG KANILANG PAMUMUHAY SA PANG ARAW ARAW NA GINAWA NG DIYOS, DAHIL DITO NABAGO ANG AKING PANANAW SA KAHULUGAN NG SALITANG ISKWATER SAPAGKAT, NASAAD SA AKING BINASA NA MAY MGA MAYAYAMANG NANINIRAGAN SA LUGAR NA IYON, NA LINGID SA AKING KAALAMAN, LUMAKI AKO SA PANINIWALANG ANG LUGAR NA ISKWATER AY PARA LAMANG SA MGA MAHIHIRAP NA WALANG MAAYOS NA MAPAPATAYUAN NG KANILANG BAHAY, NGUNIT MALI AKO, DAHIL SA SANAYSAY NA AKING NABASA, ANG MGA MAYAYAMAN NA ANG NAMUMUNO SA KANILANG LUGAR NA PARA BANG IPINAPAKITA SA KANILA KUNG GAANO KALAYO ANG BUHAY NA MAYROON SILANG MAHIHIRAP SA MGA MAYAYAMANG TULAD NA LAMANG SA MAYAMANG NAKA TIRA SA ISKWATER.



7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.


SA KASALUKUYANG PANAHON HINDI LINGID SA ATING KAALAMAN NA MAY ROONG MGA NAMUMUNO SA GOBYERNO ANG TALAGANG MAY PUSO SA MAHIHIRAP, KAYA NAMAN MAS NABIGYAN NA NG PANSIN ANG KANILANG HINGAIN PATUNGKOL SA KAHIRAPAN, AT DAHIL NGA SA TULONG NG MGA MAY MABUBUSILAK NA PUSONG NAMUMUNO SA PAMAHALAAN MARAMI NA SA MGA KAPWA MAHIHIRAP ANG NABIBIGYAN NG OPURTUNIDAD NA MAKARANAS NG MAGANDANG BUHAY, NABIBIGYAN NA SILA NG MAAYOS NA TIRAHAN AT PANIMULANG NEGOSYO,  HINDI RIN LINGID SA ATING KAALAMAN NA UNTI UNTI NG NALILINIS ANG LUGAR NG ISKWATER AREA, KAYA MAIUUGNAY KO ANG TEKSTO SA REALIDAD NG LIPUNAN SA KASALUKUYAN SAPAGKAT MAY ROON PARIN NAMAN IBA NA HINDI NAKAKAUNLAD NGUNIT NABABAWASAN NA SA TULONG NG MGA MABUBUTING NAMUMUNO SA BANSANG ATING KINAMULATAN. 


Comments

Popular posts from this blog

BABAE KA!