LEONO, KIMBERLY (BS-CRIM 2-D
1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.
• Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
- TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN ANG URI NG TULA ANG GINAMIT SA TULANG "ISANG DIPANG LANGIT" NI AMANDO V. HERNANDEZ. AT ANG TEORYANG PAMPANITIKAN NAMAN ANG ANGKOP SA PAGSUSURI AY ANG "REALISMO", NA KUNG SAAN ANG KATOTOHANAN ANG BINIBIGYANG DIIN AT MAY LAYUNING ILAHAD ANG TUNAY NA BUHAY PINAPAKSA ANG KALAGAYAN NA NANGYAYARI SA LUPUNAN TULAD NG KURAPSYON, KATIWALIAN, KAHIRAPAN AT DISKRIMINASYON MADALAS DIN ITONG NAKA POKUS SA LIPUNAN AT GOBYERNO. HANGAD DIN NG REALISMO ANG MAKATITOHANANG PAGLALAHAD AT PAGLALARAWAN NG MGA BAGAY-BAGAY.
• Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula
- PASALAYSAY ANG TAGLAY NA DIWA ANG INILALARAWAN NG PERSONA SA TULANG "ISANG DIPANG LANGIT" NI ARMANDO V. HERNANDEZ.
• Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
- ANG SAKNONG NA AKING NAGUSTUHAN MULA SA TULANG "ISANG DIPANG LANGIT" AY " ANG TAO'T BATHALA AY DI NATUTULOG AT DI HABANG ARAW ANG API AY API TANANG PININIIL AY MAY PAGTUTUOS, HABANG MAY BASTILYA'Y MAY YABANG GAGAMITIN" ITO ANG AKING NAPILING SAKNONG SAPAGKAT ITO ANG MAS TUMATAK SA AKING ISIPAN NA ANG AKING INTERPRETASYON AY HINDI LAHAT NG NASA IBABA AY MANANATILING NASA IBABA, HABANG MAY GIGISING NA NA UMAGA DALA NG SIKAT NG ARAW, LAHAT NG PAGHIRAP, PAIT, AT KADALAMHATIAN AY MAY-ROONG PAG-ASANG MARAMDAMAN ANG KAGINHAWAAN AT ANG PAG TUNG TUNG SA ITAAS NA PUNTO NG KANILANG BUHAY. NA KAPAG AKING IHAHAMBING SA TULA NI AMANDO V. HERNANDEZ, NA ANG PAGKAKAKULONG AY HINDI SIMBOLO NA SIYA AY SUMUKO, BAGKUS ITO'Y SIMBOLISMO NG KATAPANGAN, KATAPANGAN NA KAYANG HARAPIN ANG LAHAT ALANG-ALANG SA KANIYANG IPINAGLALABAN.
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
- SI AMANDO V. HERNANDEZ AY ISA SA PINAKATANYAG NA MANUNULAT SA ATING BANSANG PILIPINAS, KILALA PAGDATING SA LARANGAN NG PAGSULAT, SI AMANDO V. HERNANDEZ AY KILALA SA KANIYANG MGA KRITISISMO ( CRITICISM OF SOCIAL INJUSTICE) NA PATUNGKOL SA TINATAWAG NATING SOCIAL JUSTICE O PANLIPUNANG HUSTUSYA. SI AMANDO V. HERNANDEZ AY ISINILANG NOONG SEPTEMBER 13, 1903, SIYA AY NAGING MEYEMBRO NG ISANG KILOSAN NA KUNG SAAN TINATAWAG NATING " COMMUNIST MOVEMENT" NA KUNG SAAN NAGING DAHILAN NG KANYANG PAGKAKAKULONG, AT HABANG SIYA AY NAKA PIIT SA BILANGUAN SI ARMANDO HERNANDEZ AU NAG SULAT NG ISANG TULA NA PATUNGKOL SA KANIYANG PERSONAL NA KARANASAN SA LOOB NG BILANGUAN NA KANYANG PUNAMAGATANG "ISANG DIPANG LANGIT".
3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado
Hernandez.
• Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.
- ANG TULANG " ISANG DIPANG LANGIT" NA ISINULAT NG ISANG TANYAG NA MANUNULAT SA BANSANG PILIPINAS NA SI AMANDO V. HERNANDEZ AY PATUNGKOL SA SARILING KARANASAN SA LOOB NG BILANGUAN SA MUNTINLUPA, ANG TULANG ITO AY NAGPAPAKITA NG PIGHATI, LUHA, AT MAKA DAMDAMING KARANASAN.
SA BAWAT TALATANG IYONG MABABASA MARARAMDAMAN ANG PAIT, PIGHATI AT HIRAP NA DINADANAS NG PERSONA, BAWAT SALITANG KANYANG GINAGAMIT AY MAY DALANG PAGHIHIMAGSIK AT PAGKAWALAN NG PAG-ASA NA MULI NIYANG MASAKSIHAN ANG MALAMIG NA SIMOY NG HANGIN, ANG GANDA NG TANAWIN AT ANG MGA MAHAL NIYA SA BUHAY, BAGAMAT NAHIHIRAPAN MAN SA KANYANG MGA KARANASAN, MAKIKITAAN NG MALUMANAY NA ISTILO NG PAGSULAT MAY PARTE DIN NA KUNG SAAN PAGHIHIMAGSIK ANG PAMAMARAAN, HALO HALONG EMOSYON ANG IYONG MABABASA'T MARARAMDAMAN SA TULANG ITO, SA PAGLALARAWAN NG PERSONA SA KANYANG BILANGUAN BILANG KANYANG "TANGING DAIGDIG NGAYON" AY NAGSISIMBULO NG PAGTANGAP SA KANYANG SITWASYON.
ANG TULANG "ISANG DIPANG LANGIT" AY HINDI LANG PAGHIHIMAGSIK, PAIT, AT PANDAMDAMING KARANASAN BAGKUS ISA RING TULANG MAKIKITAAN MO NG PAG-ASA, AYON NGA SA KANYANG TALATA " DI HABANG ARAW ANG API- API, TANANG PANINIIL AY MAY PAGTUTUOS HABANG MAY BASTILYA'Y MAY BAYANG GAGANTI NA ANG IBIG SABIHIN AY HINDI LAHAT NG NAAAPI, INAAPI NA NASA PUNTO NG KANILANG BUHAY NA SILA AY NASA IBABA AY MANANATILING NASA IBABA, HABANG MAY ARAW NA SUMISIKAT MAY-ROONG PAG-ASANG SIYA AY MAGIGING MAGINHAWA, AT AAHON PAPUNTA SA TUKTUK NG PAG BABANGON.
Comments
Post a Comment